You’re making it hard for me. Pero kung yun naman talaga gusto mong mangyari, Congratulations! Everything’s hard and I have been shit because of you.
Wag mo kasi akong tinatanong kung miss ba kita, kasi putanginaaa OO. Miss na miss kita. Sa paggising, pagpasok at pagtulog ko, hindi ka nawawala sa isip ko at hinahanap kita o kahit yung text mo lang. Ang hirap lang. Hirap na hirap na ako to the point na kailangan ko pa tawagan yung bestfriend ko from Cebu kanina para lang umiyak. Alam mo yun. Kaasar. Bakit pa kasi eh..
Kaya sana pag sinasabi kong di kita miss, di na kita mahal at okay lang ako, PLEASE LANG maniwala ka. Or at least pretend na naniniwala ka. Wag mo na kong kulitin para aminin ko yung totoo. Kasi I think, kung yun palagi kong sinasabi sa’yo at sa sarili ko, yung mga sinasabi ko na rin ang mangyayari saken. Baka pag pinaniwala ko sarili ko, baka di na talaga kita mamiss at mahalin at baka maging okay na rin ako. Alam mo yun. Masakit kasi eh..
SANA DI MO MABASA TOH. Alam kong ang tanga ko lang kasi public blog toh, at baka nga mabasa mo pero kasi wala na akong ibang mapagsabihan. At kailangan ko na tong ilabas kasi ayoko nang umiyak, potaaaa.
Pero alam mo yun. Ewan ko. Basta. TAMA NA.